Profile


------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ask Me







My share
Sunday, August 16, 2009

Im here.Alive and well... I wanted to share this poem to you all,Its my own composition.... The poem is actually for my Filipino assignment.Just finished it (4:11 pm)

Ang Nais Ko…
May isang tao na laging nasa isip ko
Kapag kapiling ko siya, lahat ay nag-babago
Sa sandaling makita ko ang kanyang matang kumikislap,
Nawawala ang aking mga pag-hihirap
Kaibigang minamahal ko

Sa isang tingin, ako ay gumagaan
At parang gusto ko siyang hawakan
Kinakabahan ako pag siyay kakausapin,
Hindi alam kung anong sasabihin.
Tumitindi ang aking nararamdaman.

Nais ko nang sabihin ang lahat
Na akoy may nararamdamang mabigat
“Mahal kita, at wala ng iba…
Ikaw lang ang aking pinaka-iisa”
Ngunit dito nabibitin ang nais na isambat

Hangang dito nalang pala kami
May nararamdaman na kong pagsisi
Sana ay sinabi ko na lahat
Para wala na akong nararamdamang mabigat
Ito ang nais ko…


I was very proud of the poem.....and I really hope you like it as well,

Keep moving forward...
FACEBOOK | TWITTER